JavaScript is required

Mga oportunidad sa karera sa edukasyon sa maagang pagkabata (Career Opportunities in Early Childhood Education) - Filipino

Mga pagkakataon sa karera para sa mga bagong guro at tagapagturo sa early childhood education

Ang Pamahalaang Victoria ay nangakong gagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga kahihinatnan ng lahat ng mga pamilya sa Victoria, kabilang dito ang mga pamilyang may iba't ibang pinagmulang kultura at wika.

Upang maisakatuparan ang pangakong ito, ang Best Start, Best Life reform ay mamumuhunan ng mahigit $370 milyon para sa pagpaparami ng mga manggagawa sa early childhood.

May hanay ng mga inisyatiba para sa mga manggagawa na idinisenyo upang akitin at suportahan ang mahigit sa 11,000 karagdagang mga guro at tagapagturo ng early childhood mula sa buong estado.

May makukuhang pinansiyal at hindi pinansiyal na suporta ang mga marapat na kandidato mula sa lahat ng iba't ibang pinagmulan na naghahangad ng karera sa early childhood education.

Tingnan ang impormasyon sa ibaba upang malaman mo ang higit pa kung paano maging guro o tagapagturo ng early childhood education.

Pagbuo ng karera sa early childhood education

Mayroong isang hanay ng mga opsyon sa pag-aaral at mga suportang pinansyal na magagamit para sa mga taong interesadong maging guro o tagapagturo ng maagang pagkabata. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: Financial support to study and work in early childhood | vic.gov.au.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga karera sa early childhood education at pinansyal na suporta para sa pag-aaral, bisitahin ang: Become an early childhood teacher or educator.

Trabaho

Ang pagtatrabaho sa edukasyon sa maagang pagkabata ay pinamamahalaan ng mga indibidwal na tagapamahala ng serbisyo at mga tagapagbigay ng mga programa sa kinder.

Pumunta sa website ng Early Childhood Jobs para makita kung anong mga trabaho ang available at mabasa ang mga case study mula sa mga taong nagtatrabaho sa sektor na ito.

Para sa mga kurso sa early childhood education na nag-aalok ng mga karagdagang suporta, bisitahin ang: Early Childhood Tertiary Partnerships program | vic.gov.au.

Updated