JavaScript is required

Paano at kailan mag-eenrol (How and when to enrol) - Filipino

Makipag-usap sa inyong lokal na konseho o serbisyong pang-kindergarten tungkol sa proseso ng pag-enrol. Maaari ka ring tumawag sa Enquiry Line para sa Pantatlong-Taong-Gulang na Kindergarten sa 1800 338 663 o mag email sa 3YO.kindergarten@education.vic.gov.au. Para sa suporta sa iyong wika o para makakuha ng serbisyo ng interpreter, tumawag muna sa 131 450.

Early Start Kindergarten (ESK)

Ang mga bata na refugee o asylum seeker ang pinagmulan ay maaaring maka-access sa mga karagdagang suporta at bibigyan ng priority of access sa kindergarten sa pamamagitan ng Early Start Kindergarten. Maaari mong tanungin ang inyong lokal na serbisyo tungkol sa Early Start Kindergarten kapag ikaw ay nagpapa-enrol ng iyong anak, o bisitahin ang Early Start Kindergarten para sa karagdagang impormasyon.

Kailan dapat mag-enrol

Sa Victoria, maaaring simulan ang mga bata sa kinder program kapag sila ay 3 taong gulang na. Maaari mong ipasok ang petsa ng kapanganakan ng iyong anak sa Starting Age Calculator para malaman kung anong taon siya makakapagsimula sa Three- at Four-Year-Old Kindergarten o Pre-Prep.

Kung ang iyong anak ay ipinanganak sa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-30 ng Abril, maaari mong piliin ang taon kung kailan siya magsisimula ng Three-Year-Old Kindergarten. Ang iyong anak ay maaaring magsimula ng Three-Year-Old Kindergarten sa taon mismo kung kailan siya naging 3, o sa taon kung kailan siya magiging 4 na taong gulang. Kung ang iyong anak ay magsisimula ng Three-Year-Old Kindergarten sa taon na siya ay magiging 3 taong gulang, siya ay magsisimulang pumasok sa eskuwela sa taon na siya ay naging 5 taong gulang. Kung pipiliin mong ipasok ang iyong anak sa Three-Year-Old Kindergarten sa taon na siya ay magiging 4 na taong gulang, magsisimula siyang pumasok sa eskuwela sa taon na siya ay magiging 6 na taong gulang.

Maghanap ng isang kinder program

Upang makahanap ng mga serbisyong nag-aalok ng mga aprubadong programa ng kinder, bisitahin ang website ng find a kinder program. Ang inyong lokal na konseho at mga serbisyong pang-kindergarten ay maaari ring makatulong sa iyo na makakuha ng puwesto sa kindergarten.

Hanapin ang Kinder Tick

Ang Kinder Tick tumutulong sa mga pamilya sa Victoria na makahanap ng isang aprubadong programa sa kinder para sa kanilang mga anak.

Hanapin ang logo ng Kinder Tick sa inyong lokal na serbisyo sa kindergarten, sa gusali o bakuran ng serbisyo o sentro, sa kanilang website o sa kanilang mga pang-impormasyon na materyales.

Updated