JavaScript is required

Victorian Sick Pay Guarantee - Pilipino (Victorian Sick Pay Guarantee - Filipino)

Bayad sa maysakit at tagapag-alaga (Sick and carer’s pay) para sa casual at nagtatrabaho sa sarili na mga manggagawa (Victorian Sick Pay Guarantee)

Ang Garantiya para sa Bayad Maysakit ng Victoria ay nagbibigay sa mga manggagawang casual at nagtatrabaho sa sarili nang 38 na oras sa isang taon na bayad sa maysakit at tagapag-alaga na magagamit kapag sila ay nagkasakit o kailangang mag-alaga ng mga mahal sa buhay. Dahil walang manggagawa ang dapat pumili sa pagitan ng isang araw na sweldo sa trabaho o kaniyang kalusugan.

Itong programa ng pagsubok ay lubos na pinondohan ng Pamahalaang Victoria.

Ang pagsubok na programa sa Garantiya para sa Bayad sa Maysakit ay magtatapos sa ika-30 ng Hunyo 2024.

Sarado na ang mga pagparehistro. Hindi ka na maaaring makapagpalista sa Garantiya para sa Bayad sa Maysakit (Sick Pay Guarantee).

Ang mga paghahabol (claims) para sa bayad sa maysakit at tagapag-alaga (sick and carer’s pay)

Kung nakapagpalista ka sa Sick Pay Guarantee pagsapit ng alas 2:00 ng hapon noong Martes, ika-7 ng Mayo 2024, ikaw ay kwalipikado para sa bayad sa may-sakit at tagapag-alaga (sick and carer’s pay) nang hanggang Biyernes ika-31 ng Mayo 2024.

Ang ibig sabihin nito ay ang katapusang araw na pwede kang hindi pumasok sa trabaho at maging kwalipikado para sa Garantiya para sa Bayad sa Maysakit (Sick Pay Guarantee) ay sa Biyernes, ika-31 ng Mayo 2024.

Ang pinakahuling petsa na maaari kang magsalang ng paghahabol ay Linggo, ika-30 ng Hunyo 2024.

Kailangan mong isumite ang lahat ng mga paghahabol (claims) sa loob ng 60 mga araw nang hindi ka pumasok sa trabaho at hindi lalampas ng 11:59 ng gabi sa Linggo, ika-30 ng Hunyo 2024.

Kontakin kami

Victorian Sick Pay Guarantee

Email: sickpayguarantee@ecodev.vic.gov.au

Updated